Tumanggap si Bureau of Corrections Director-General Gregorio Catapang Jr., ng pagkilala matapos igawad ang World Integriry Prize at italaga bilang Person of Sincere Anti-Corruption Integrity ng Anti-Corruption Civil Movement General Federation.
Pinarangalan si Catapang dahil sa kanyang pakikilahok sa international anti-corruption movement upang pagbutihin at ikalat ang kahalagahan ng integridad upang gawing malinis at transparent ang mundo.
Ang Anti-Corruption Civil Movement General Federation ay kasapi ng Union International Associations (UIA) na naka-base sa South Korea na may kasapi na aabot sa tatlongdaang asosasyon. | ulat ni Gab Villegas