May dalawampu’t apat na volcanic earthquake ang naitala sa Bulkang Mayon sa Albay sa nakalipas na 24 oras.
Batay sa ulat ng Phivolcs, sinabayan din ito ng 257 rockfall events at 16 na dome-collapse pyroclastic density currents events na tumagal ng tatlong minuto.
Patuloy pa ring naglalabas ng lava ang bulkan at mabagal na dumadaloy sa Mi-isi at Bunga gullies.
Gayundin ang deggasing activity .
Kahapon, nagbuga ng sulfur dioxide ang Mayon na abot sa average na 663 tonelada .
Samantala, nakapagtala naman ng 6 na volcanic tremors ang Taal Volcano sa Batangas sa nakalipas na 24 oras na tumagal ng dalawa hanggang tatlong minuto.| ulat ni Rey Ferrer