Bulkang Mayon, nakapagtala lang ng isang volcanic earthquake

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bahagyang humupa ang aktibidad sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras.

Batay sa 24-hour monitoring ng PHIVOLCS, isa lang ang naitalang volcanic earthquake ngayon sa bulkan mula sa higit isandaang pagyanig kahapon.

Gayunman, umakyat naman sa 372 ang rockfall events at mayroon ding pitong dome-collapse pyroclastic density current events.

Nagpapatuloy rin ang lava flow sa bunganga ng bulkan na umabot sa 1.6 kilometers sa Mi-isi Gully at 1.2 kilometers sa Bonga Gully.

May pagguho rin ng lava hanggang 3.3 kilometers m mula sa crater ng Mayon Volcano.

Sa kabila nito ay hindi pa nakikita ng PHIVOLCS ang pangangailangan na iakyat ang Alert Level sa bulkang Mayon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us