Umabot na sa 177 na rockfall events ang naging aktibidad ng Bulkang Mayon sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa latest monitoring ng Philippine Volcanology and Siesmology (Phivolcs), sa naturang bilang ng rockfall events ay nakapagtala ng isang volcanic earthquake ang bulkan.
Kaugnay nito, umabot na sa halos 1,205 na tonelada na ng sulfur dioxide ang naibuga na Bulkang Mayon sa nakalipas na magdamag.
Nasa bahagi ng kalakhang Silangan ng bulkan naman ang direksyon ng pagsingaw nito.
Samantala, ipinagbabawal pa rin ang paglapit sa 6-kilometer permanent danger zone. | ulat ni AJ Ignacio