Bureau of Immigration, tiniyak ang mas mabilis na immigration processing para sa mga Muslim na lalahok sa Haj Pilgrimage

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Bureau of Immigration na magiging hassle free ang immigration processing sa mga Muslim na pupunta sa Saudi Arabia para sa Haj Pilgrimage sa susunod na buwan.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, naka-isyu na ang operations circular na nakasaad ang pagpapabilis ng proseso sa immigration kapag aalis mula sa paliparan.

Aniya, aatasan ang mga focal person na magbibigay ng advance list ng mga lilipad patungong Mecca sa mga opisyal ng National Commission on Muslim Filipinos.

Maglalatag din ng special lanes sa mga paliparan para mabilis na maproseso ang mga bibiyaheng Muslim.

Nakaantabay naman ang mga tauhan ng Border Control and Intelligence Unit para alalayan ang mga pasahero.

Dagdag ni Tansingco, tinatayang nasa 7,000 mga Pilipinong Muslim ang inaasahang lalahok sa Haj Pilgrimage ngayon taon. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us