Isang panukalang batas ang inihain ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte na layong pababain ang presyo ng kuryente at produktong petrolyo.
Sa ilalim ng kaniyang House Bill 8231, babawasan ng hanggang 50% ang excise tax na ipinapataw sa coal at petroleum products.
Maliban dito, sususpendihin din muna ang pagpapataw ng iba pang applicable duties sa naturang mga produkto.
Gagawin ding exempted sa VAT o value added tax ang system loss charge na isa sa sinisingil sa mga kustomer ng kuryente.
Magiging epektibo aniya ito sa loob ng tatlong taon.
“It seeks to mitigate the effects of the imposition of Value Added Tax (VAT) and the increased excise taxes on petroleum products and coal that are too much of a burden on the consumers and businesses as we recover from the effects of COVID-19 and rising inflation,” ani Villafuerte. | ulat ni Kathleen Jean Forbes