Lumagda ng Memorandum of Agreement ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at ang Pamahlaang Lungsod ng Borongan City sa Samar para sa development at maintenance ng Borongan Airport.
Lumagda sa nasabing kasunduan sina CAAP Director General Captain Manuel Antonio Tamayo at Borongan City Mayor Jose Ivan Dayan Agda.
Iminungkahi rin ng pamahalaang lungsod ng Borongan ang isang komprehensibong plano upang maisagawa at mapondohan ang iba’t ibang proyekto sa pagpapaunlad at pagpapanatili ng Borongan Airport, tulad ng pagtatayo ng panibagong passenger terminal at iba pang mahahalagang imprastruktura dahil na rin sa tumataas na bilang ng pasahero at lumalagong ekonomiya sa rehiyon.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Director General Tamayo na ang MOA ay isang makabuluhang milestone sa partnership ng CAAP at ng Borongan City Government.
Sinabi niya na ang kasunduan ay isang patotoo sa kanilang dedikasyon at magkasanib na pagsisikap na mapabuti at mapaunlad ang paliparan at umaasang magsilbing blueprint para sa patuloy nilang kooperasyon sa hinaharap. | ulat ni Gab Humilde Villegas