Muling siniguro ng Civil Aviation Authority of the Philippines na hindi maaapektuhan ang airspace at flights sa Pilipinas hinggil sa paglalaunch ng rocket missile ng North Korea mula May 31 hangang June 11.
Ayon kay CAAP Deputy Director General Edgardo Diaz, may aternative airways ang ating bansa na maaring dumaan ang mga aircraft na tutungo sa eastern countries kaya naman hindi maaapektuhan ang mga airway traffic ng bansa.
Kaungay nito, nauna nang nagpalabas ng “notice to airmen” ang CAAP upang malaman ng mga piloto ang mga restricted airspace upang maiwasan ang anumang insidente sa himpapawid.
Muli namang singuro ng CAAP sa publiko na kanilang sisisuguruhin na hindi maaapektuhan ang anumang biyaheng panghimpapawid sa bansa at ang kaligtasan ng airline passengers . | ulat ni Arrian Jeff Ignacio