Calatagan, Batangas, niyanig ng lindol kaninang madaling araw -PHIVOLCS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bandang alas-3:11 ng madaling araw nang yanigin ng magnitude 4.3 ang bayan ng Calatagan sa Batangas.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang pagyanig ay naramdaman din sa ilang lugar sa Cavite, Oriental at Occidental Mindoro.

Natunton ang epicenter ng lindol sa layong 17 kilometro sa Timog-Kanluran ng Calatagan.

May lalim na 80 kilometro ang pinanggalingan nito at tectonic ang dahilan.

Naramdaman ang intensity 2 sa Tagaytay City, Cavite; Puerto Galera at Calapan City, Oriental Mindoro.

Habang intensity 1 naman sa Bauan, Batangas City, at Lemery, sa Batangas; Magallanes, Cavite; Magsaysay at Abra De Ilog sa Occidental Mindoro.

Pagtitiyak ng PHIVOLCS na wala namang dalang pinsala ang lindol at wala ring aasahan pang aftershocks. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us