Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Pride Month, ay naglatag ng iba’t ibang aktibidad ang Caloocan LGU para sa LGBTQIA+ community.
Pangungunahan ito ng Caloocan City Health Department (CHD) na may temang “Kulayan ang Kankaloo: Resisting Inequality, Promoting Diversity.”
Ilan lang sa mga nakalinyang aktibidad dito ang libreng STI screening, HIV discussion, Pride Talk 101, SOGIESC, at iba pa.
Ayon sa Caloocan LGU, layon ng aktibidad na na maipadama sa LGBTQIA+ community na kakampi nila ang pamahalaang lungsod sa pagsusulong ng isang pantay at nagkakaisang lipunan.
Gaganapin ang aktibidad sa darating na biyernes, June 16 sa Caloocan City Peoples Park mula alas-9 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali. | ulat ni Merry Ann Bastasa