Cash-for-Work program para sa evacuees sa Albay, handang suportahan ng Office of the House Speaker

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakakuha ng commitment si Albay 2nd district Rep. Joey Salceda mula mismo kay House Speaker Martin Romualdez para sa pagpapatupad ng cash for work program sa evacuees sa Albay.

Ayon kay Salceda humiling siya ng tulong kay Speaker Romualdez sa pagpapatupad ng DOLE-TUPAD.

Kailangan rin kasi aniya ng suporta para sa mga residente na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa paglikas.

Halimbawa aniya ang cash for work para sa pagpapanatili ng kalinisan sa mga evacuation center.

Una nang sinabi ng mambabatas na posible pang tumagal ang pre-disaster relief efforts ng pamahalaan habang hinihintay ang tuluyang pagsabog ng bulkang Mayon

“I have already requested for DOLE-TUPAD support from Speaker Romualdez, who has assured us that he will do whatever he can to provide what Albay needs to endure this situation. He has already given us very significant assistance. We are very thankful” ani Salceda.

Nitong Lunes ay nagpadala na ng tulong ang Office of the Speaker at Tingog party-list sa tatlong distrito ng Albay sa pamamagitan ng tig-P500,000 cash aid at P500,000 na halaga ng relief packs.

Dagdag naman ni Salceda na nakikipag-ugnayan na rin sila sa corporate sector para punan ang ilan pang pangangailangan ng mga taga-Albay.

“We are working with the corporate sector now, to fill in whatever gaps can be filled. But, with PBBM directing the national effort, we are optimistic that Albay will get what we need.” pagtatapos ng kongresista. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us