Cebu Pacific, humingi ng paumanhin sa mga pasahero dahil sa mga flight cancellation

Facebook
Twitter
LinkedIn

Humingi ng paumanhin at pang-unawa ang Cebu Pacific sa mga pasahero dahil sa mga naging operational challenges nito na nagresulta sa pagkakaroon ng flight cancellations at pagbabago sa schedule ng flight ng kanilang mga pasahero.

Ipinaliwanag rin ng Cebu Pacific na nakaranas ito ng mga on-the-spot disruption tulad ng ground damage mula sa runway debris na naging dahilan upang maging grounded ang isang aircraft, pati na ang madalas na paglalabas ng mga Red Lightning Alerts dahil sa pag-ulan upang masuspinde ang lahat ng flight at ground activities sa mga paliparan.

Samantala, dumating ang ikapitong Airbus A320 aircraft ng Cebu Pacific na magpapatibay sa network stability nito, sa kabila ng hamon na hinaharap ng global aviation industry.

Batay sa naging Facebook post ng Cebu Pacific, walo pang aircraft nito ang inaasahang darating ngayong taon.

Sinabi ng airline company na gumagawa na sila ng mga hakbang upang hindi maramdaman ng kanilang mga pasahero ang epekto ng mga nangyayari sa global aviation industry.  | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us