Ipinag-utos na ng Navotas LGU ang temporary closure sa Icy Point Cold Storage kasunod ng nangyaring sunog at ammonia leak sa compound nito sa Brgy. Northbay Boulevard North, bandang alas-11 kagabi na tumagal ng ilang oras.
Ito ay upang magbigay daan sa ikakasang joint investigatopn ng BFP-Navotas, City Health Office, Sanidad, City Environment & Natural Resources Office, at Business Permits and Licensing Office sa insidente.
Sa ulat ng BFP, umabot pa sa ikatlong alarma ang sunog bago naapula kaninang 1:57AM.
Kinumpirma naman ng pamahalaang lokal na isang 16-na taong gulang na residente ang nasawi sa insidente habang 23 residente rin ang isinugod sa Navotas City Hospital (NCH) at Tondo Medical Center (TMC) matapos mahirapang huminga.
As of 8 AM, dalawang pasyente ang nananatili pa sa NCH.
Sa ngayon ay nakabalik naman na sa kani-kanilang mga tahanan ang mga residenteng lumikas dahil sa ammonia leak. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📸: Navotas Emergency Team