COMELEC Iligan City, nakapagtala ng halos 2k kaso ng double o multiple registration

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ni City Election Officer Atty. Anna Liza T. Barredo na may naitalang halos 2,000 ang double o multiple registration sa lungsod ng Iligan.

Ito ay base sa Election Registration Board (ERB) hearing noong June 19, 2023.

Dagdag pa ni Barredo, na ang lahat ng 44 na barangay sa lungsod ay mayroong multiple registrations.

Paliwanag din ng Election Officer na patuloy pa ang kanilang paglilinis ng kanilang listahan ng mga multiple registrations kaya’t hindi pa sila makakapagbigay ng saktong bilang ng total registered voters sa Iligan City.

Ngunit, tinitiyak nitong makapaglabas ng kabuuang bilang bago sumapit ang 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).| ulat ni Sharif Timhar H. Habib Majid| RP1 Iligan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us