Comprehensive Food Program para sa mga mahihirap na pamilya, ipinapanukala sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Upang tuluyang masugpo ang kagutuman sa bansa, ipinapanukala ni 1-PACMAN party-list Rep. Michael Romero na isabatas ang pagkakaroon ng food stamps.

Sa ilalim ng kaniyang House Bill 8532, pagtutulungan ng DSWD at Department of Agriculture ang pagpapatupad sa food stamp program.

Ang mga benepisyaryo ay bibigyan ng ‘tap cards’ na mayroong P5,000 na food credits.

Maaari nila ito gamitin pambili ng masustansyang pagkain mula sa piling DSWD local retailers.

Ang DA ay tutulong sa pagsusuplay ng produkto o pagkain mula sa mga lokal na magsasaka.

Pangunahing benepisyaryo ng programa ang mga pamilya na ang kita ay hindi lalagpas ng P8,000 kada buwan.

Mayroon din work component ang programa kung saan para mapanatili ang benepisyo ay dapat may trabaho.

Target ani Romero na matulungan ng programa ang nasa 300,000 na pamilya pagsapit ng 2024 at posibleng pang mai-akyat ng isang milyong benepisyaryo sa mga susunod na taon.

“This comprehensive food stamp program, as proposed and executed in other countries, are actually agricultural programs. They aim to link rural surpluses with food-poor urban communities. This way, we could effectively address both urban poverty and rural poverty,” ani Romero. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us