Comprehensive Response Plan ng Philippine Red Cross para sa pag-aalburoto ng bulkang Mayon, kasado na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilatag na ng Philippine Red Cross ang komprehensibong response plan matapos itaas sa alert level 3 ang bulkang Mayon.

Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, nakatutok ang plano sa strategic deployment ng mga kinakailangang assets para sa epektibong pagtugon habang nag-aalburoto ang bulkan.

Pinulong na rin ni Gordon ang PRC executives gayundin ang Albay Chapter Team upang pag-usapan ang disaster response.

Kasabay nito, pinangunahan ng opisyal ngayong hapon ang send-off ng volunteers na ipadadala sa Albay bilang bahagi ng humanitarian caravan upang tumulong sa mga lugar na maaapektuhan ng aktibidad ng bulkang Mayon.

Iginiit ni Gordon na hindi na ito bago para sa Red Cross dahil laging ramdam ang presensya nito sa Albay at sa buong Bicol region tuwing may pag-aalburoto ng bulkan at iba pang kalamidad. | ulat ni Hajji Kaamino

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us