Conservation efforts ng Singapore sa endangered species, ibinahagi kay Vice President Sara Duterte

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan na ni Vice President Sara Duterte ang kanyang working visit sa Singapore bilang pangulo ng Southeast Asian Ministers of Education Organization Council.

Unang dinalaw ni VP Sara ang Mandai Wildlife Reserve, isang nature destination sa Singapore na may Bird Park.

Dito matatagpuan ang kauna-unahang pares ng Philippine Eagles sa Singapore na sina Sambisig at Geothermica.

Ayon kay VP Sara, nagmula ang dalawang ibon sa Philippine Eagle Foundation sa Davao City at dinala sa Singapore upang maparami, maprotektahan at ma-conserve ang species.

Ibinahagi rin sa Pangalawang Pangulo ang conservation efforts ng Mandai Research Group sa pakikipagtulungan sa Pilipinas upang mailigtas at mapangalagaan ang iba pang species ng ibon.

Nagpasalamat naman si VP Sara sa organisasyon dahil sa pagsusumikap na makalinga ang endangered species ng ibon. | ulat ni Hajji Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us