Crackdown vs. mapang-abusong kawani, nagpapatuloy sa BIR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy ang crackdown ng Bureau of Internal Revenue laban sa mga mapang-abuso at tiwaling mga kawani sa ahensya.

Sa ulat ni BIR Commissioner Romeo D. Lumagui Jr., simula noong nakaraang taon ay aabot na sa 26 na opisyal at kawani ang natanggal sa serbisyo habang dalawa pa ang suspendido.

Ilan lang sa kinahaharap na kaso ng mga inalis na opisyal at kawani ang grave misconduct, serious dishonesty, frequent unauthorized absences o madalas na pagliban sa trabaho, falsification o pamemeke ng official documents, gross neglect of duty, insubordination, at absence without official leave.

Ayon kay Comm. Lumagui, bunga ito ng commitment ng BIR na linisin ang hanay nito at itaguyod ang integridad sa institusyon.

“As we transform the BIR into an institution of integrity and excellence, we have removed 26 and suspended 2 erring employees. Keep in mind that you have no business working for the BIR if you fail to meet our standards for Integrity and Professionalism,” Comm. Lumagui.

Kasunod nito, inihayag ni Commissioner Lumagui ang plano nitong magsagawa ng regular na imbestigasyon sa mga opisyal ng BIR. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us