DA, nagtalaga na ng Livestock Evacuation Center sa ilang lugar sa Bicol region

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinalaga na ng Department of Agriculture (DA) ang Albay Breeding Station (ABS) sa Cabangan, Camalig bilang Livestock Evacuation Center.

Ito’y bahagi ng paghahanda ng DA sa patuloy na pagpapakita ng abnormalidad ng bulkang Mayon.

Pinapayuhan ang lahat ng livestock   raisers sa loob 6-kilometer danger zone na ilikas na ang kanilang mga alagaing hayop at dalhin sa evacuation center.

Ayon kay DA Bicol Executive Director Rodel Tornilla, naka-prepositioned na ang mga gamot at biologics, vitamins at mineral blocks pati pagkain para sa mga hayop sa itinalagang evacuation sites.

Bukod dito, maaari ring dalhin ang iba pang alagang hayop sa Local Government Unit-designated animal evacuation centers sa Muladbucad Grande, Pequeño, at Masarawag sa Guinobatan; at Nasisi sa Ligao City.

May mga standby hauling trucks nang nakatalaga sa ABS at DA Research Outreach Station sa Tabaco City na maaaring gamitin sa pag-transport ng mga hayop. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us