DA, patuloy ang pakikipag-ugnayan sa FDA hinggil sa Certificate of Product Registration ng ASF vaccine

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinihintay pa rin ng Department of Agriculture (DA) na makapaglabas ng Certificate of Product Registration (CPR) ang Food and Drug Administration (FDA) sa African Swine Fever (ASF) vaccines bago ito maging available sa hog raisers.

Ayon kay DA Assistant Secretary for Operations Arnel de Mesa, aktibo silang nakikipag-ugnayan sa FDA para maaprubahan na rin ang bakuna kontra ASF na mula sa Vietnam.

Oras na maaprubahan ito, nasa 600,000 doses ang inisyal na ilalaan sa Pilipinas

Magiging available ang bakuna sa iba’t ibang packaging kung saan may lima at 10 doses para sa maliliit na backyard farmers, at 50 doses naman sa commercial growers.

Sa tantya ng BAI, posibleng pumatak sa ₱600 ang magiging halaga ng bawat dose ng bakuna.

Kaugnay nito, muli namang tiniyak ng DA na kasama sa pinag-aaralan nila ang pagbibigay ng subsidiya sa bakuna lalo na sa mga maliliit na small pig growers.

“We are studying the proposal especially small backyard or small pig growers. We want to help them. It is a proposal to have a discount. We’re looking at that possibility,” ayon sa DA.

Pinawi rin ng DA ang pangamba ng ilang magbababoy na hindi sumapat ang bakuna sa populasyon ng baboy sa bansa.

Paliwanag ni BAI Assistant Director Arlene Vytiaco, hindi naman lahat ng baboy ay kailangang bakunahan kontra ASF kundi tanging mga 6-10 weeks old na baboy lang.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us