Inatasan na ni DSWD Sec. Rex Gatchalian ang Disaster Response Management Group (DRMG) na tiyakin ang agarang pagdating ng mga suplay ng family-food packs (FFPs) sa mga DSWD warehouse sa Bicol Region.
Partikular na direktiba ni Sec. Gatchalian kay DRMG Asst. Secretary Marlon Alagao na tiyaking matatapos ang pamamahagi ng rasyon ng family food packs sa lahat ng mga apektadong LGUs bago ang sumapit ang July 2.
Nakalaan kase ang second wave ng FFPs ng kagawaran sa mga apektado ng pag-aalburoto ng bulkan mula July 2-17.
Kasunod nito, pinatitiyak na rin ng kalihim kay DRMG Asec. Alagao na madaragdagan ng suplay ng relief goods ang warehouse ng kagawaran sa Matnog, Sorsogon para mas mabilis ang augmentation nito sa Albay.
As of June 29, aabot na sa 6,000 family food packs ang nai-deliver ng DSWD Bicol Regional Office sa warehouse sa Matnog.
Tuloy-tuloy naman na ang pamamahagi ng FFPs sa mayon-affected families
Kabilang sa nahatiran ng ayuda ang mga nanunuluyan sa Camalig evacuation centers habang target rin na maibigay na ngayong araw ang second wave ng FFPs sa bayan ng Malilipot, at sa mga siyudad ng Tabaco, Ligao at Daraga. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📷: DSWD