Dalawa pang baybaying dagat, ideneklara nang ligtas sa toxic red tide ng BFAR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ideneklara nang ligtas sa toxic red tide ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang dalawang baybaying dagat sa bansa.

Batay sa pinakahuling laboratory results, nag- negatibo na sa paralytic shellfish poison ang mga lamang dagat sa coastal waters ng San Pedro Bay sa Samar at Lianga Bay sa Surigao Del Sur.

Ayon kay BFAR OIC Isidro Velayo Jr, maaari nang kainin ang mga shellfish at lamang dagat na nakukuha sa nasabing karagatan.

Sa ngayon, dalawang baybaying dagat na lang ang positibo sa red tide.

Ito ay ang Dumanguillas bay sa Zamboanga del Sur at Dauis at Tagbilaran City, Bohol.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us