Dalawa sa tatlong Pinoy na nasa death row sa UAE, ginawaran ng pardon matapos ang inihaing apela ni PBBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si United Arab Emirates President Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan dahil sa paggawad nito ng pardon sa tatlong nahatulang Pilipino doon.

Dalawa sa tatlong pinagkalooban ng pardon ay napag-alamang nahaharap sa death penalty bunsod ng kinaharap na kasong may kinalaman sa droga habang ang isa naman ay naharap sa kasong slander na may sintensyang 15 taong pagkakakulong.

Napag-alaman na April 27 nang pormal na naghain ng request ang Pangulo kay UAE Pres. Sheikh Mohamed para mapagkalooban sana ng humanitarian pardon ang tatlong Pinoy.

Ang pagpapaabot ng pasasalamat ng Pangulo ay ginawa sa pamamagitan ng telephone call ng Presidente kay Mohamed.

Kasama rin sa ipinagpapasalamat ng Pangulo sa lider ng UAE ang tulong na ipinagkaloob nito para sa mga apektado ng pag-aalburuto ng bulkang Mayon. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us