Dalawang babaeng illegal recruiter, naaresto ng NBI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naaresto na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang illegal recruiter sa Paco, Maynila.

Dinakip sina Marissa Rumbaoa Ursulum at Michelle Dichoso matapos ireklamo ng isang aplikante.

Base sa ulat, nakita lang ng complainant sa Facebook account ang posts ng isang “Asarim Rumbaoa” na nangangalap ng gustong magtrabaho sa abroad.

Nagpakilala pa itong konektado sa isang licensed recruitment agency na Hard Earned Opportunities, Inc.

Pinangakuan ang complainant na makapagtrabaho sa isang fishing vessel sa Korea at may sahod na $400 o P22.292 kada buwan.

Pero sa ginawang berepikasyon ng complainant, nalaman nitong hindi awtorisadong mag-recruit ang dalawa

Dinakip sila ng mga operatiba ng NBI nang ibigay ang hinihinging P35,000 na kabayaran para sa processing fee. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us