Kasalukuyang nagsasagawa ng damage assesment ang Office of Civil Defense (OCD) sa magnitude 6.2 na lindol na tumama sa Batangas ngayong 10:19 ng umaga.
Naramdaman ang lindol sa iba’t ibang intensity sa ilang bahagi ng Metro Manila.
Ayon kay OCD Information Officer Diego Agustin Mariano, sa mga oras na ito ay wala pang natatanggap ang ahensya na ulat ng “major damage” dulot ng lindol.
Wala pa ring nakarating sa ahensya na report tungkol sa mga posibleng casualty dulot ng malakas na pagyanig.
Ang lindol ay kasunod ng katatapos lang na 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill, na isinagawa noong nakaraang Huwebes, bilang paghahanda sa “the big one”. | ulat ni Leo Sarne