DAR at MAFAR, magtutulungan para sa ikauunlad ng Bangsamoro farmers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkaisa ang Department of Agrarian Reform (DAR) at counterpart na Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na itaguyod ang kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda sa Bangsamoro Region.

Tiniyak ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III ang buong suporta ng ahensiya sa partnership ng DAR at MAFAR.

Lalong-lalo na aniya sa pagsisimula pa lamang pagdating sa pagpapatupad ng iba’t ibang programa sa repormang agraryo.

Sabi pa ng kalihim, napakahalaga umano ito sa pagsusulong ng rural development at pagpapanatili sa natamo ng Comprehensive
Agrarian Reform Program.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us