Pumayag ang Philippine National Police Academy (PNPA) na magbenta sa kanila ng agricultural commodities ang mga magsasaka sa Cavite.
Ang nasabing hakbang ayon kay DAR Undersecretary for Support Services Office, Milagros Isabel Cristobal ay inisyatiba ng Deparment of Agrarian Reform (DAR) sa ilalim ng Partnership Against Hunger and Poverty program.
Sa pamamagitan nito, matutulungan ang mga magsasaka na maiangat ang kanilang kabuhayan.
Ang mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) ay magsusuplay ng agricultural commodities sa PNPA tulad ng bigas, mais, poultry products, mga gulay at groceries at iba pa.
Sinabi naman ni PNPA Director PMGEN Eric Noble, kahit papaano ay makakatulong ito na matugunan ang gutom at kahirapan sa lugar, na kabilang sa mga ugat ng rebelyon.
Magbibigay umano ito ng matatag na merkado at magsisiguro ng kanilang kita na maaaring pagmulan ng kanilang pang-araw-
araw na gastusin.| ulat ni Rey Ferrer