DAR, naglunsad ng fund-raising campaign para matulungan ang mga nasunugang residente sa QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mag-aambagan ang mga kawani ng Department of Agrarian Reform para matulungan ang mga residenteng nasunugan sa Barangay Old Capitol Site, Quezon City.

Naglunsad ng fund-raising campaign ang DAR na tinawag nilang “Bente Ko, Tulong Ko.”

Bawat kawani ng DAR, anuman ang kanilang katayuan sa trabaho, ay hinihikayat na magbigay ng maliit na halaga na P20.

Umapela na si Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III sa mga kawani na makibahagi sa inisyatibang ito alang-alang sa mga pamilyang nasunugan.

Una nang namigay ng iba’t ibang materials assistance ang DAR community tulad ng damit, mga kumot at iba pa noong Mayo 22, isang araw matapos ang sunog.

Nangyari ang sunog malapit lamang sa Central Office ng Department of Agrarian Reform. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us