Higit sa ₱48-M halaga ng farm machinery and equipment (FME) ang ipinagkaloob ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa 24 agrarian reform beneficiaries organizations (ARBOs) sa lalawigan ng Kalinga.
Pinangunahan mismo ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III ang pamamahagi ng benepisyo sa mga ARBO ng Kalinga sa pagdiriwang ng 73rd Founding Anniversary ng Tabuk.
Kabilang sa ipinamahagi ang ₱30.1-M Halaga ng farm machinery at equipment at ₱18-M solar powered irrigation system.
Ayon sa DAR, inaasahang makakabenepisyo rito ang nasa higit 900 agrarian reform beneficiary (ARB) na miyembro ng mga ARBO.
Binigyang-diin naman ni Sec. Estrella ang kahalagahan ng paggamit ng makabagong makinarya at teknolohiya upang mapukaw ang pagiging produktibo at mapataas ang kita ng mga ARB.
“Ang inisyatiba na ito ay isang patunay ng pangako ng DAR sa paggawa ng isang positibong epekto sa buhay ng mga magsasaka at pagtiyak na ang mga ARB ay magkaroon ng access sa iba’t ibang suporta upang sila ay makapag-ambag sa paglago ng lokal na ekonomiya,” ani Estrella. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📷: DAR