Dating Gobernador Guido Reyes ng Negros Oriental inilibing na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihatid na sa kaniyang huling hantungan ang namayapang gobernador ng lalawigan ng Negros Oriental Sabado, Hunyo 10, 2023.

Alas-2:00 ng hapon inilibing si Governor Carlo Jorge Joan Reyes sa syudad ng Guihulngan, ang bayang sinilangan ni Reyes, matapos isagawa ang funeral mass sa Nuestra Senora del Buensuceso Parish.

Personal na dumalo sa libing ang mga opisyal ng lalawigan sa pangunguna ng bagong gobernador, Governor Manuel “Chaco” Sagarbarria kasama ang mga opisyal ng provincial government at mga local government unit ng Negros Oriental.

Bago ang libing, isang public viewing ang isinagawa sa loob ng Guihulngan City Gymnasium kung saan isang necrological service mula sa LGU Guihulngan ang inalay June 9, araw ng Biyernes.

Namatay si Reyes nitong May 31, 2023 mula sa pakikipaglaban sa sakit.

Si Reyes ang pumalit sa napaslang na gobernador ng lalawigan buwan noong Marso 2023 na si Governor Roel Degamo. | ulat ni Jessa Agua-Ylanan | RP1 Cebu

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us