Nailibing na ngayong tanghali ang mga labi ni dating Senador Rodolfo Biazon sa Libingan ng mga Bayani kung saan siya ay binigyan ng full military honors.
Pagdating ng labi ng dating senador ay binigyan ito ng arrival honors kung saan sinalubong ito ng kanyang pamilya at binigyan ng 19-gun salute.
Sinundan ito ng funeral march kung saan isinakay si Biazon sa isang caisson car, hila ng command car na sinundan ng isang grave service.
Pagkalibing sa labi nito ay binigyan ang dating senador ng 21-gun salute.
Kabilang sa mga nakipaglibing ay sina Defense Secretary Gibo Teodoro, Defense Undersecretary Carlito Galvez Jr., AFP Chief of Staff Andres Centino, Philippine Army Commanding General, Lt. Gen. Romeo Brawner Jr., Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci, at Marine Commandant Major General Arturo Rojas, at Taguig City Mayor Lani Cayetano.
Si Biazon lamang ang tanging naging Marine Commandant na naging AFP Chief of Staff. | ulat ni Gab Humilde Villegas