Dating Tourism Sec. Dick Gordon, pinuri ang bagong tourism slogan ng DOT na “Love the Philippines”

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kaugnay ng bagong inilusad na tourism slogan ng Department of Tourism (DOT) na “Love the Philippines” sa ika-50 anibersaryo nito.

Binigyang diin ni Philippine Red Cross (PRC) Chairperson at dating Tourism Secretary Dick Gordon na ang tagumpay ng turismo sa bansa ay nakadepende pa rin sa kabuuang karanasan ng mga turista.

Ayon kay Gordon, mahalaga ang kabuuang karanasan ng mga turista gaya nang maayos at malinis na airports; mababait at tapat na tourism personnel; at sabayan pa ng mga nature at historical site na maaaring bisitahin ay makahihikayat ito sa mga turista na muling bumalik sa bansa.

Dagdag pa ng dating Tourism czar, bukod sa catchy at may recall ang bagong slogan ay magsisilbi rin itong paalala sa mga Pilipino na mahalin ang bansa.

Hinikayat naman ni Gordon ang publiko na magtulungan para sa mas matatag na tourism industry.

Matatandaang si Gordon ang nagpasikat ng tourism slogan na “WOW Philippines” noong siya ay nagsilbing kalihim ng DOT noong 2001 hanggang 2004. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us