Nanawagan ngayon ang Davao City Police Office (DCPO) sa publiko na agad na isumbong sa kanilang pamunuan ang mga desk officer sa mga police station na hindi ini-entertain ang mga nagsusumbong na biktima ng pagnanakaw.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas Davao kay DCPO Spokesperson Maj. Catherine dela Rey, sinabi nito na dapat inaasikaso ng mga desk officer ang pagsusumbong ng mga biktima at itala ito para may aksyon na gagawin ang kapulisan.
Nag-ugat ang nasabing pahayag matapos kumalat sa social media na may mga pulis nag nagsasabing wala itong magagawa na maibalik ang nanakaw sa mga biktima kung saan nawawalan na ng kumpyansa ang mga tao na magsumbong.
Ayon kay dela Rey na maituturing na dereliction of duty ang ginagawa ng mga desk officer sa mga nagsusumbong na biktma.
Kaya, dapat isumbong ito sa kanilang pamunuan para maturuan ng leksyon at magbigyan ng karampatang parusa.
Giit ni dela Rey na ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para mapigilan ang mga krimen at maresolba kung mayroong mga insidente na nangyayari. | ulat ni Armando Fenequito | RP1 Davao