Namatay sa pakikipaglaban sa mga tropa ng militar ang notorious na Dawlah Islamiyah lider na si Abu Zacaria sa Bangon, Marawi City kaning ala-una ng madaling araw.
Ito ang kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Lt. Col. Enrico Gil Ileto.
Ayon kay Ileto, isang sundalo ang sugatan sa engkwentro.
Matatandang si Zacaria ang pumalit sa nasawing lider ng Dawlah Islamiyah na si Abu Dar.
Naging target na rin sya ng mga nakalipas na operasyon sa Lanao del Sur pero siya ay nakatakas.
Wala pang ibang detalye na inilalabas ang AFP sa engkwentro. | ulat ni Leo Sarne