Pinangunahan ni Defense Secretary Gilbert Teodoro ang isang Command Conference kasama ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Kasama ni Sec. Teodoro si AFP Chief of Staff, General Andres Centino kung saan tinalakay ang operasyon ng AFP, mga plano nito sa hinaharap sa usapin ng modernisasyon, at ang defense legislative agenda.
Tinalakay din sa nasabing pulong ang mga ipatutupad na reporma sa pension scheme ng Military and Uniformed Personnel (MUP), salig na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Bago nito, binigyan ni Gen. Centino ng Foyer Honors si Sec. Teodoro at saka nagtungo sa AFP General Headquarters Conference Room.
Ito ang kauna-unahang command conference na pinangunahan ni Teodoro kasama ang mga senior official ng AFP, buhat nang maupo siya sa puwesto bilang Defense Secretary. | ulat ni Jaymark Dagala
📸: DND-PAS