Nagsagawa ng coastal clean-up ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Pasay City Government, at ang SM Prime Holdings sa SM By The Bay sa Pasay City bilang bahagi ng pagdiriwang ng World Oceans Day ngayong araw.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga na ang nasabing aktibidad ay bahagi ng comprehensive approach at end-of-pipe solution na kung saan ang mga basura ay umaabot na sa mga karagatan.
Nababahala rin ang kalihim sa paglaki ng plastic pollution, partikular ang marine litter sa pangkalahatan at umaasa ang kalihim na ang ganitong aktibidad, at kung gagawin ito ng sabayan ay makakatulong upang mai-manage ang kalidad ng mga karagatan.
Sinabi rin ni Loyzaga na kinakailangan ng comprehensive, whole-of-society at whole-of-government approach upang tugunan ang napakalawak na problema sa basura. | ulat ni Gab Humilde Villegas
