Nagkaisa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Office of the Vice President at Department of Education sa inisyatibong pagtatanim ng isang milyong puno sa bansa.
Pinangunahan mismo nina Vice President at DepEd Sec. Sara Duterte at ni DENR Sec. Antonia Loyzaga ang paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) para sa layuning makapagtanim ng isang milyong puno hanggang sa 2028.
Ayon sa DENR, ang inisyatibong ito ng OVP at DepEd ay bahagi ng kanilang commitment sa National Greening Program para mabawasan ang carbon emission at footprint.
Nakahanay rin ito sa itinutulak na Office of the Vice President na PAGBABAGO: A Million Learners and Trees Program.
Sa panig naman ng DENR, tutulong sa pagtukoy sa mga site kung saan itatanim ang mga seedling at kung anong uri ng puno ang itatanim sa isang lugar.
“The DENR welcomes the support of OVP and DepEd to the continuous efforts of the Department to protect, conserve, manage, restore, and regenerate the country’s environment and natural resources.” | ulat ni Merry Ann Bastasa