Nakapagtala ang Department of Energy (DOE) ng aabot sa ₱6.8 bilyong halaga ng energy efficiency investments, batay sa Annual Energy Efficiency and Conservation at Annual Energy Consumption Reports na isinumite ng designated establishments para sa compliance period ng 2021-2022.
Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla, ikinalugod niya na ang designated establishments na nagkakaroon na ng energy efficiency at conservation.
Dagdag ng kalihim, mahalaga ang papel ng mga industriya sa pag-abot ng low carbon-intensive na ekonomiya at ma-integrate ito sa kanilang business models.
Ang mga designated establishment ay tumutukoy sa private entities sa commercial, industrial, transport, power, agriculture, public works, at iba pang sektor na tinukoy ng DOE bilang energy-intensive industries batay sa kanilang taunang konsumo mula sa nakalipas na taon. | ulat ni Gab Villegas