Department of National Defense, nagpaabot ng pagdadalamhati sa pagpanaw ni dating Sen. Rodolfo Biazon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagluluksa ngayon ang Department of National Defense (DND) sa pagpanaw ng dating mambabatas at dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Rodolfo “Pong” Biazon.

Sa isang kalatas, sinabi ni Defense Secretary Gilbert Teodoro, na naging makulay ang karera ni Biazon buhat sa pagiging opisyal ng Philippine Marines, pagiging AFP Chief of Staff gayundin bilang mambabatas.

Ipinakita aniya ni Biazon sa deka-dekadang pagseserbisyo nito ang kaniyang dedikasyon, pagmamahal sa bayan, integridad at ang kaniyang hindi matatawarang pangako ng pagtataguyod at pagtatanggol sa kalayaan ng bansa.

Marapat lamang ani Teodoro, na magsilbing huwaran si Biazon ng mga susunod na henerasyon ng mga Pilipino at umaasa silang mananatili ang legacy na iniwan nito na maaalala ng bawat isa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us