Department of Tourism Bicol region, naglabas ng safe viewing point sa Lalalawigan ng Albay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglabas ng Safe Viewing Point ang Department of Tourism (DOT) Region 5 para sa mga turistang nais makitang ligtas ang bulkang Mayon na malayo sa permanent danger zone ng bulkan.

Ayon kay DOT Region V Regional Director Herbie Aguas, ang mga naturang lugar ay nasa 9 to 19 kilometers ang layo mula sa 6-kilometer danger zone.

Narito ang ilan sa mga lugar na ligtas na masisilayan ang bulkang Mayon sa Lungsod ng Albay: ito ang mga lugar ng Leg Boulevard, Sawangan Park, Legazpi Highlands, Kalayaan Park, at Our Lady of Salvacion Giant Statue.

Sa bayan ng Daraga ito ang mga lugar ng Cagsawa Ruins Park, Farm Plate, Daraga Church, at Daraga National Museum.

Sa bayan ng Ligao Mt. Masaraga Campsite – 9.84 kilometers Paayahayan sa Bulod, Kawa Kawa Hill, Bambusetum, Divine Mercy Monastery Church, Hobbit Hill, at Ilah Nature Park. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us