DepEd, di sang-ayon sa hiling ng US na sa Pilipinas magproseso ng special immigration visa ang ilang Afghan nationals

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tutol ang Department of Education (DepEd) sa request ng Estados Unidos sa gobyerno ng Pilipinas na dito magproseso ang ilang Afghan nationals ng kanila US Special Immigrant Visa.

Ayon kay Education Undersecretary Michael Poa, kabilang sa mga kinonsidera nila ang legal issues ng planong ito, partikular sa isyu ng soberanya ng ating bansa.

Paliwanag ni Poa, bahagi ng soberanya ng Pilipinas ang pagdedesisyon kung sino ang papahintulutang manatili sa ating bansa, pansamantala man o permanante.

Pero sa kasong ito aniya ay ang Estados Unidos ang siyang magsasagawa ng vetting process sa mga dayuhang papapasukin sa ating bansa.

Ipinunto rin ng tagapagsalita ng DepEd na ang tanging rason lang kaya hindi maiproseso ng US sa kanilang bansa ang Special Immigrant Visa ng mga Afghan ay dahil sa internal rule o law na umiiral sa US.

Kaya naman tanong ng ahensya, bakit inaasahan ng US na babaliin natin ang ating patakaran kung sila mismo ay hindi ito magawa.

May concern rin ang ahensya pagdating sa magiging seguridad ng ating bansa. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us