Bigo pang makapaglabas ng kanilang desisyon ngayong araw ang Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) branch 256 kaugnay sa inihaing petition for bail ng kampo ni dating Sen. Leila De Lima para sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.
Ito’y ayon kay Muntinlupa RTC branch 256 Presiding Judge Albert Buenaventua ay dahil may serye pa ng pagdinig sa naturang kaso sa Hunyo 19 at sa Hunyo 26 depende sa itatakbo ng susunod na pagdinig.
Sa gagawing pagdinig sa Hunyo 19, talakayin ang isyu na may nakuha umano si De Lima na P70 milyong mula sa convicted drug lord na si Herbert Colango na siya umanong ginamit para sa pangangampaniya nito noong 2016 elections.
Napagkasunduan sa pagdinig ngayong hapon na magsusumite ng mosyon ang prosekusyon sa loob ng 5 araw para iharap ang may 20 testigo nito gayundin para ilatag ang mga bagong ebidensya.
Ayon naman sa kampo ni De Lima, posibleng malabag ang kanilang karapatan dahil sa Double Jeopardy dahil sa ang testigo ay apat na taon nang inusisa ng depensa sa 2 pang drug case ng dating Senadora na una nang nabasura ng korte.
Kasunod nito, sinabi ni Judge Buenaventura na ilalabas nila sa lalung madaling panahon ang kanilang desisyon hinggil sa petition for bail na nakadepende sa magiging resulta ng pagdinig sa Hunyo 19.| ulat ni Jaymark Dagala