Pumirma ng Memorandum of Understanding ang Department of Human Settlements and Urban Development CALABARZON at lokal na pamahalaan ng Alfonso, Cavite para maisakatuparan ang housing project sa naturang bayan.
Sa ilalim ng programang RS Ville, itatayo ang mga rowhouse at residential building sa Barangay Taywanak Ibaba.
Ayon kay Mayor Randy Salamat, nasa 822 ang mga inaasahang beneficiaries ng rowhouses habang nasa 870 ang mga magiging benepisyasryo ng condo units.
Dagdag pa ng alkalde, layunin ng programa na matupad ang pangarap na sariling bahay ng mga taga-Alfonso.
Maaaring mag-avail ng housing unit ang mga miyembro ng PAG-IBIG na formally employed at patuloy na naghuhulog ng atleast 24 months na monthly contribution.
Bahagi ng government flagship program na Pambansang Pabahay Para sa Pilipino ang RS Ville project sa Alfonso, Cavite. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.
📸: Mayor Randy Salamat