DHSUD, nagbabala sa publiko kaugnay sa pagbili ng mga housing project na walang ‘license to sell’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbabala ang Department of Human Settlements and Urban Development o DHSUD sa publiko kaugnay sa pagbili ng mga housing project na walang ‘license to sell’ at ‘certificate of registration’.

Kasunod ito ng talamak na real estate advertisement sa social media na naging pinakamadaling platform para sa mga non-compliant na developer na magsagawa ng iligal na aktibidad at mambiktima ng mga buyer.

Iginiit ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar na kinakailangan na kumuha ng license to sell at certificate of registration ang mga real estate developer bago ito magbenta ng kanilang real estate projects.

Ito ay upang matiyak na sumusunod ang mga ito sa minimum standards na minamandato ng batas.

Hinikayat naman ng kalihim ang mga home buyer na mag-ingat at humingi ng nasabing mga dokumento bago bumili ng bahay.

Tiniyak naman ng DHSUD na paiigtingin pa nito ang implementasyon at pagmo-monitor ng kanilang mga regulation katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan upang maprotektahan ang mga home buyer. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us