Di awtorisado at di rehistradong online lending platforms, pinaiimbestigahan ni Sen. Joel Villanueva

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinusulong ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na maimbestigahan sa Senado ang mga hindi awtorisado at hindi rehistradong online lending platforms sa bansa na nakakapambibiktima ng daan-daang mga Pilipino.

Sa inihaing Senate Resolution 641 ni Villanueva, sinabi nitong kasabay ng pagdami ng mga lending transactions sa pamamagitan ng digital platforms ay dumarami rin ang bilang ng mga mapang-abusong pangongolekta ng utang ng ilang kompanya.

Ayon sa senador, kailangang matigil na ang hindi makatao at hindi etikal na paraan ng ilang online lending platform para lang makakolekta ng bayad.

Base kasi sa mga sumbong na natatanggap ng mambabatas, ang ilang mga sinisingil ng utang ay hina-harass, tinatakot at hinihiya ng mga collecting agents ng lending companies kapag hindi sila nakakapagbayad sa tamang oras.

Ang ilan naman aniya ay sobra-sobra ang ipinapataw na interes at sangkot sa iresponsableng pagkuha ng mga datos at impormasyon ng kanilang mga kliyente.

Giit ni Villanueva, dapat ipatupad nang maayos ang mga batas para masigurong sa mga rehistrado at awtorisadong online lending companies lang makikipagtransaksyon ang mga konsumer. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us