Di pagsama ng instant noodles sa ‘salty tax,’ pinaboran ng ilang residente sa QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sang-ayon ang ilang residente sa Quezon City sa plano ng pamahalaan na hindi na isama pa ang instant noodles sa ‘salty tax’ o mga pagkaing maaalat na papatawan ng mas mataas na buwis.

Sa pag-iikot ng RP1 team sa isang residential area sa BIR Road, QC, ilan sa mga residente ang sinabing dapat lang na hindi na patawan ng mas mataas na buwis ang instant noodles dahil pagkaing masa ito.

Ayon kay Aling Joan, suki siya ng instant noodles dahil bukod sa abot kaya na, madali itong iluto, at madali ring ikonsumo. Madalas na paborito rin aniya itong pang-almusal ng mga bata hanggang sa mga matatanda.

Sinabi ni Mang Enrico na hindi na dapat dinadamay pa ang instant noodles lalo na at madalas na pinipili ito ng mga nagtitipid na pamilya.

Para rin kay Nanay Telly na may sari-sari store, malaking bagay na hindi magtaas ng presyo ang instant noodles lalo’t kasama ito sa madalas na pagsaluhan ng mga mahihirap na pamilya.

Marami man ang pabor, mayroon ding gaya ni Mang Romeo na sinabing dapat isama pa rin ang instant noodles sa ‘salty tax’ upang maiwasan na ito dahil hindi naman maganda sa kalusugan ang pagkonsumo nito.

Una nang sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na isusulong ng administrasyong Marcos ang pagpasa ng bagong tax measures sa taong ito kabilang ang mas mataas na buwis sa sweetened beverages at junk food na may epekto sa kalusugan ng tao. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us