DILG, hinimok ang LGUs na isulong ang active transport

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinimok ni Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos, Jr. ang mga lokal na pamahalaan na isulong ang active transport upang maibsan ang traffic congestion sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay Abalos, maaaring magsilbing inspirasyon sa mga lokal na pamahalaan ang best practices ng mga local government unit (LGU) na ginawaran ng National Bike Day Bike Lane Awards.

Kabilang sa Bike Lane Awardees ay ang Iloilo City, Quezon City, at Mandaue City.

Ikinalugod naman ng kalihim ang pagbabahagi ng mga awardee ng kanilang mga pamamaraan gaya ng pagtatalaga ng safe at accessible na bike lanes, at mga pedestrian infrastructure sa kanilang mga lugar.

Tiniyak ni Abalos, na patuloy na makikipagtulungan ang DILG sa Inter-agency Technical Working Group on Active Transport para masigurong maisasakatuparan ang active transport project sa mga lungsod at lalawigan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us