DILG, kampante sa kakayahan ng bagong hirang na BJMP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiwala si DILG Secretary Benhur Abalos Jr. na kayang gampanan ni Jail Director Ruel Rivera ang pamamahala sa jail bureau.

Pahayag ito ni Abalos, kasunod ng pagkakatalaga ni Rivera bilang isa nang full-fledged BJMP Chief.

Dahil sa kanyang karanasan bilang career jail officer, kampante ang kalihim na lubos niyang magagamit ang kanyang awtoridad sa pag-usad sa jail bureau na maging isang world-class na ahensya at isang premiere safekeeping institution para sa mga Persons Deprived of Liberty.

Sabi pa ni Abalos, nakahanda ang DILG na ibigay ang kinakailangang patnubay at suporta sa BJMP Chief. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us