DILG, umapela sa publiko na makiisa sa kampanya laban sa iligal na droga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinanawagan na ni DILG Secretary Benhur Abalos, Jr. sa publiko ang whole-of-nation approach sa paglaban sa iligal na droga.

Kasabay nito ang paghimok na maging kampeon ng Buhay Ingatan Droga’y Ayawan Program sa kanilang mga komunidad.

Ginawa ng kalihim ang apela sa pagdiriwang ng International Day against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT) o World Drug Day sa Hunyo 26.

Tulad ng BIDA Program, ang pagdiriwang ng IDADAIT 2023 ay naglalayong palakasin ang aksyon at kooperasyon laban sa iligal na droga na nagpapakita ng sama-samang partisipasyon ng lahat ng stakeholders.

Hinimok ni Abalos ang mga LGU na makipag-ugnayan sa kani-kanilang local anti-drug abuse council upang manguna at lumahok sa mga aktibidad laban sa ilegal na droga.

May isasagawa ding serye ng meetings o forums ang DILG mula Hunyo 26 hanggang Hunyo 29 ,2023. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us