Disaster Response Plan, nakatakdang ipresinta ng OCD-NDRRMC kay bagong Defense Sec. Gilbert Teodoro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakda nang ilatag ng Office of the Civil Defense – National Disaster Risk Reduction and Management Council (OCD-NDRRMC) ang kanilang Disaster Response Plan at accomplishment report sa bagong Defense Secretary Gilbert Teodoro.

Ayon kay OCD-NDRRMC Spokesperson, Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, bukod kasi sa pagiging Kalihim ng Defense Department, si Teodoro rin ang kanilang magsisilbing Chairperson sa OCD-NDRRMC.

Sinabi ni Alejandro, na kanilang ilalatag sa bagong Kalihim ang mga paghahanda ng ahensya sa iba’t ibang kalamidad kabilang na rito ang pagtugon sa nagbabantang El Niño Phenomenon.

Binigyang diin pa ni Alejandro, hindi na bago para sa kanila ang liderato ni Sec. Teodoro dahil minsan na itong namuno sa kanila noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Magugunitang sa ilalim ng administrasyong Arroyo, nagsilbi si Teodoro bilang Chair ng noon ay National Disaster Coordinating Council na kalaunan ay naging NDRRMC.

Dagdag pa ni Alejandro, subok na ang kakayahan ni Teodoro bilang Defense Chief at kilala nila ito bilang action man sa tuwing mayroong kalamidad sa bansa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us